ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Saturday, January 31, 2009

snow bear candy memories

Kaninang umaga, dahil gusto kong picturan ang sarili ko gamit ang cellphone ni Mama (pakialamera eh no?) imbis na cellphone ang nakuha ko, nakakita ako ng pirasong SNOW BEAR na candy na malamang ay binili ni Mama sa Philippine store. "Ma, akin na lang 'to ah!" Pumayag naman siya.

May naaalala lang kasi ako sa SNOW BEAR candy. Naaalala ko kasi ang college days ko. Bago ako sumakay ng tricycle papunta sa labasan ng subdivision namin, palagi akong bumibili ng candy na yun. Tatlong pirasong candy. Kasi tatlo dos pa noong mga panahon na iyon. Sabi kasi nila piso na ata isang candy ngayon. Isa para fresh breath ako pag papasok ng school, isa habang nakikinig sa nakakaantok na prof, isa para ibigay kay Soulmate kung gusto niya. Kung ayaw niya, akin na lang.

Tapos, pagkatapos namin mag lunch ni Soulmate, bibilhan niya din ako ng SNOW BEAR o di naman kaya ng HANY o CHOCKONUT. Naaalala niyo pa ba iyon? Eh Philippine History ang subject ata namin, kakain lang kami ng kakain ni Soulmate kahit sa front row kami nakaupo. Malabo kasi mata ko kaya I insist na sa harap kami.

Naaalala ko din na pag katapos namin mag lunch, kakain nga kami ng SNOW BEAR di ba? Tapos holding hands while walking and while tumatawid. Wala lang, feeling ko lang, part yun ng masasayang araw ko. Hindi pwedeng wala ang SNOW BEAR sa buhay ko kung hindi ay di kumpleto ang araw ko.

It's just something that reminds me of my kalandian days...

Friday, January 30, 2009

cheering competition

Nasubukan niyo na ba ang sumali sa isang cheering competition?

Ako, oo. It was almost 2 years ago at bigla ko lang na miss ang mga araw na umaga na ako umuuwi at bago ako matulog sesermunan muna ako ng Mama ko pero di ako iimik kasi gusto ko talagang sumali at baka pag sumagot pa ako ay baka di niya na ako payagan.

Nagpra- practice kami sa iba't ibang basketball court ng Molino. Araw araw yun hanggang alas dose ng hatinggabi at uuwi na ng madaling araw. Syempre di pwedeng maligo agad dahil baka magkapasma at pagdating ng umaga, para akong ginahasa ng paulit ulit sa sakit ng katawan ko. Mga kasu kasuhan na kahit sa salon pas ay di mo madadaan. Kulang na lang ay gumapang ako paakyat sa 5th floor para sa aking klase. Ano ba ang ginagawa sa isang practice ng cheering?

Eto ang aming cycle:

1. Meeting point 4:00 pm sa **** court. Dadating ako sa meeting place sharp dahil ayokong nale- late at ayokong may nami- miss at sabi ng instructor namin ay ma- late ay kailangang mag bayad ng piso. Kapos na nga ako sa pambili ng pagkain eh, magbabayad pa ako dahil sa lateness. Sa wakas, makalipas ang isa't kalahating oras, may isa ng dumating.

"Bakit ang aga mo?" tanong sa akin ni Amy, ang cheerleader namin.
"Akala ko ba, 4:00 pm?"
"6 pm na daw, wala bang nag update sayo?"
"Wala." Shit!

2. Sa wakas, makalaipas ang halos tatlong oras, kumpleto na kami at magsisimula na kaming mag stretching. Tapos tawanan, landian at tsismisan. Madalas pagusapan ang isa naming ka mate na laging late tapos di naman ganun kagaling sa pagkuha ng steps. Pinaguusapan din ang mga buhay buhay namin, kung sino ang ayaw naming prof, sino ang prof na pag nagsalita ay kailangan ng payong, minsan naman sinasamahan pa namin mag review dahil meron kaming exam kinabukasan.

3. Tapos, nandyan yung pag isa sa inyo di nakakuha ng steps, uulit ulitin niyo siya hanggang sa makuha niyo na iyon ng tama. Kailangan ng team work dito, ng concentration dahil pag di mo nakuha, patay ka sa mga nakakuha ng steps. Maaasar ka talaga.

4. Break time. Pupumta sa van ang majority of guys sabay mag iinom. (tama ba iyon?) Kami namang mga gurls ay magto- toilet, maghahanap ng barbecue, iinom ng tubig. Tsismisan ulit tyapos bonding na din. Pahinga konti tapos rampa na naman.

5. Tapos, magkaka problema ang CD player, magkaka delay na naman ang practice. Magkakaroon ng sisihan, tapos may magvo- volunteer na magdadala ng maayos na CD player kinabukasan. Countings na lang kami tapos pagdating 11:30 pack up na kami.

6. Sabay sabay maglalakad pauwi ang mga walang pamasahe. Mauuna na ang may mga pamasahe pa at mga takot sa magulang. Magpapaalam at uuwi.

Madami akong natutunan sa halos dalawang buwang pagpra- practice. Magugulat ka na lang may matututunan ka pa pala kahit palpak ang kinalabasan.

-Natutunan ko na sa cheering, may mga nagkaka developan ng damdamin. Magkakaroon ng crush tapos hihingin number tapos malalaman mo na lang sila na pala. Ang bilis nga. Sabagay sabay ba naman kayo umuwi gabi gabi eh. Buti na lang di ako na develop sa kung sino sino dahil nag focus ako ng husto sa cheering. At nung mga panahon na iyon, magulo na ang love life ko. Ayoko na siyang dagdagan kahit pa nali- link sa akin ang instructor. (duh?)

-Nalaman ko din na importante ang team work dito, walang mangyayari kung kukutyain mo lang ang isang taong parehong kaliwa ang paa. Kailangan mo siyang turuan dahil ikaw din ang mapapagod kung paulit ulit kayo.

-Kung wala kang kaibigan, sumali ka lang dito at magiging kaibigan mo silang lahat. Pati yung guy na akala mo patahi- tahimik lang dati sa klase niyo, aba'y mala JUSTIN TIMBERLAKE pala sumayaw!

-Natutunan ko din na kailangan nasa kondisyon ang katawan mo. Kung gusto mong pumayat, sumali ka na dito. Pero kailangan ng determination. Kung ayaw mong mapawisan at ayaw mong maamoy ang umaalingasaw mong amoy, sa bahay ka na lang at mag aircon.

-Kahit papaano, nakaka- miss pag nasa bahay ka lang. Feeling ko kasi ng mga panahon na iyon, sa kalye na ako nakatira eh dahil umuuwi na lang ako para matulog at kumuha ng gamit.

-Kahit anong kinalabasan, sa bandang huli kahit talo kayo, okay lang. Malalaman mo ang pinaka importante sa lahat. Ang makisama, ang magkaroon ng kaibigan. One for all, All for one ang drama namin. Ang mga friendhip na nabuo. Hindi ganoon ka importante ang manalo, dahil feeling ko panalo na kami noong nakasayaw kaming lahat ng sabay sabay at meron kaming nabuo.
Alam mo ba kung ano kinalabasan ng competition?

Ayun, talo.

Thursday, January 29, 2009

Why not slow down the process?

Hay naku, meron akong nabasang news!!! Grabe talaga! Merong isang mag asawa na dahil sa hirap ng buhay naisipan nilang patayin na lamang ang lima nilang anak (dalawa doon ay twins!) at patayin na din ang kanilang sarili. Alam mo kung ano ang rason? Dahil lang sa pareho silang nawalan ng trabaho!?? Di ba nila alam na that's the worse thing you can do to your children. Kung sa tingin mo di mo na kaya, bakit kailangan pang idamay ang mga anak mo? Alam mo kung ano ang rason ng mga magulang nila na malamang ay nasusunog na ang mga kaluluwa sa impiyerno ngayon, dahil kung sila (parents) lang daw ang magpapakamatay, paano na ang mga anak nila? Grabe, hina ng faith! Gusto niyo mabasa ang full story? CLICK HERE!!!

Kakatopic ko lang kagabi ang about sa katakutan ko sa death, tapos eto ang mababasa ko ngayon?

Mga praning!

Nakapag fax pa nga yung tatay sa tv station eh para ipaalam ang gagawin nila. Kitams? Meron pa silang fax machine? Kami nga wala eh. Eh di ibenta na lang sana nila ang fax machine o mag benta sila ng turon sa daan.

Guys, alam niyo naman na masusunog ang mga kaluluwa niyo sa impiyerno kung magpapakamatay kayo no? Oo lahat naman tayo ay mamamatay so why not slow down the process? Toinx!

Okay, yun lang. Don't do that at home ha!

Wednesday, January 28, 2009

Alive like me

Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa akin at naiisipan kong panoorin ang mga sumusunod na movie o palabas sa tv: AIR CRASH INVESTIGATION, GUITAR, DEAD LIKE ME AT THE HAPPENING. Lahat may patungkol sa death or something. Kung meron akong isang kinatatakutan sa lahat, yun ay ang mamatay. I know I'm being foolish dahil lahat naman tayo ay dadating sa point na yun ng ating buhay. Sa totoo lang, pinaghandaan kong mabuti ang post na ito dahil iniisip ko pa lang siya, hindi ko na kaya. Ganoon ako kahina.

Meron akong nabasa na quote mula sa book na "Tuesdays with Morrie". Itatagalog ko na lang dahi hindi ko kabisado yung english version. Ang sabi doon, kung di ka pa ready mamatay, ibig sabihin, di ka pa talaga handang mabuhay. Lagi ko yun iniisip sa tuwing naaalala ko na may hangganan din ako. Pero meron akong katwiran dyan eh, bakit pa kailangan mabuhay kung mamamatay ka din naman? HAHA! I know I'm being irrational here pero yan muna ang gusto kong paniwalaan sa ngayon.

Doon sa movie na GUITAR, merong isang babaeng mamamatay na within 2 months at sa mismong araw na nalaman niya iyon, she got fired from her job at nakipag break din sa kanya ang boyfriend niya. Grabe no? Pero ayoko i kwento ang ending at baka sabihin niyo spoiler ako. So ang gagawin ko na lang ay ilalagay ko ang sarili ko in her shoes. Ang sakit nun ah. Tutal meron akong 2 months di ba? Hindi ko sasabihin sa family ko na mamamatay na ako, siguro di ko na aawayin ang kapatid ko at lagi na akong makikipag laro sa kapatid ko at tutulong na din ako sa gawaing bahay. Sa gabi na lang ako siguro makakapag blog dahil wala na akong much time para manood ng movie tulad nito. Siguro iinom ako at magpapakalasing kahit na magka allergy pa ako, at siguro di na ako matutulog. Toink! Hay naku, change topic na pwede?

Doon tayo sa THE HAPPENING. Bakit ba may mga movie na tulad nito? Yung may kakalat na virus at uubusin ang population o di naman kaya ay dahil sa global warming, magkakaroon ng malaking malaking tsunami at magyeyelo ang buong New York City. Buti wala nun sa Pilipinas eh no? Alam niyo din ba yung movie na 28 DAYS LATER? Grabe, kung di lang ako matatakutin, naging favorite ko na yun. Pero isa yun sa mga pinaka nakakatakot kong napanood. Panoorin niyo kung di niyo pa napapanood. Matagal na ang movie na yun actually. Sa totoo lang kasi di naman ako malaking fan ng mga zombie. Pero noong bata pa ako nagkaroon na ako ng panaginip na nagkalat na daw ang mga zombie sa subdivision namin at ang ginawa ko sa panaginip ko? Nagtago sa kisame. Hehe, nice idea! Meron pa ngang isa eh, isang version naman, nagtago ako sa may banyo. As if? Buti na lang panaginip lang siya no?

Anyway, sabi ng mga scientist, o eksperto darating yung time na mamamatay ang sun tulad ng ibang stars di ba? Di ko na inalam kung kelan siya mangyayari pero sure ako na maaapektuhan ang mga magiging anak ko sa talampakan. Kung may lampas man ng talampakan, yun na yun. Tapos, ano sunod na mangyayari? Mawawalan na ng living things dahil wala ng sun. Di kaya nakalipat na ang humanity sa Mars by that time? Kakatakot. Oo na matatakutin ako. Okay think positive pero be prepared for the worse. Buti di ko siya maaabutan.

Ano ba naman 'tong pinagiisip ko? Pero guys, siguro naman open minded kayo di ba at alam niyo na di ito malayo mangyari?

May kasabihan din si Mama na kung mangyayari, it means that it is meant to happen. Pero ayoko ng ganoong rason, ewan ko kung bakit. Hay, napaka komplikado naman nitong naiisip ko. Okay, so dahil gusto ni God at tapos na ang mission natin dito sa mundong ito kukunin niya na tayo.

Okay po. Sige na nga po God, payag na ako... pero wag muna ngayon ah, wag din bukas at sa susunod pang bukas! Please ^__^

Tuesday, January 27, 2009

give u five

(Okay, kalimutan na ang nangyari kagabi. Chinese new year pa naman! So, erase erase erase!)

Oo nga pala, ang layunin ng post na ito ay para lalo niyo pa ako makilala ng husto. Pero bago ipagpatuloy ang post na ito, meron lang akong ilang paalala.

Unang una, di ako perpekto. Sabi nga ni Ai Ai at ni Soulmate: Nobody's perfect, but practice makes perfect but nobody's perfect so WHY PRACTICE? Gets niyo? Hindi ako yung tipo ng tao na magpapasaya sa inyo araw araw, at lalong hindi ako ang taong para sa inyo kung mataas ang expectations niyo sa isang tao. Kaya kung feeling niyo perfect kayo, wag niyo na lang 'to basahin.

1. Hindi ako simpleng tao.
Naaalala ko pa noong nasa elementary o highschool pa lang ako, kung tatanungin ko ang isang kaklase kong lalake kung ano ang gusto niya sa isang babae, lagi niyang isinasagot sa akin na "yung simple lang, yung walang arte sa katawan". Gusto ko siyang sagutin na "so gusto mo ng taong di naliligo?" pero joke yun sa sarili ko kaya di ko na lang isinaboses. Iba kasi yung definition niya ng simple eh. Yun nga, di nga ako simpleng tao tulad ni Gloc 9. Isa akong babaeng di mapakali kung di naliligo ng 2x sa isang araw, isang babaeng iritable na agad kung may pimple sa mukha ko kaya iniingat ingatan ko ang mukha ko, kumbaga hawakan mo na ang kuko ko, wag lang mukha ko. (Pero ibang usapan na pag si "Soulmate" ang hahawak di ba?) At higit sa lahat, di ako lalabas ng bahay ng walang something sa mukha. Ayokong nakikita ng ibang tao na wala sa ayos. Ewan ko ba kung bakit, siguro dahil nakasanayan ko na iyon o masyado lang akong feeling.

2. Madalas kong isipin ang nararandaman ko bago ang nararandaman ng iba.
Pinipilit kong magbago dahil alam ko mawawalan ako ng pamilya o kaibigan o "Soulmate" kung ang heart ko lang ang proprotektahan ko. Ayoko kasing masaktan. Kahit noong bata ako takot akong madapa, kaya as much as posible di ako magba- bike. Ako din ang tipo ng tao na malakas ang defense mechanism. Huwag na huwag mo kong aasarin kung ayaw mong matabla.

3. May pakialam ako sa mundo.
Sa mundo meron naman akong pagmamalasakit. Hindi ako nagtatapon ng balat ng candy o ng kung ano pa man sa kalye o sa daan, tinatapon ko siya sa bag ko o kaya sa basurahan. Hindi rin ako naninigarilyo dahil sa air polution, o nagtatapon ng dumi sa ilog dahil lalo lalala ang water pollution. Ayokong dumating ang panahon na babalik din sa akin ang mga tinapon kong kalat. Napanood ko yun sa TV.

4. Mahal ko ang pamilya ko at ang mga taong nagmamahal sa akin.
Pero madalas ko pa din silang nasasaktan.

5. Meron akong malaking malaking pangarap at hinaharap.
Wag kang green minded! Ang ibig kong sabihin ay dahil nga di ako simple, kahit di naman kami yung sinasabing may kaya, at kahit sabihin ng mama ko na wag daw ako magsalita ng tapos, alam ko sa sarili ko na hindi lang ako hanggang dito. Alam mo ba kung ano pangarap ko? Ang magka anak ng isang dosena at titira kami sa isang hacienda! Wahaha! Kung sa globe nga everything's posible, sa akin pa kaya. Wohooo!!!

Marami pa akong masamang ugali, wag kayong magalala, di ako nagnanakaw o pumapatay o nanunulot ng boyfriend, pero nagpapakabuting tao na naman ako eh. Yan lang muna ang ilan sa mga bagay (postive and negative) ang kaya kong i- admit sa inyo. Sana di kayo na dismaya at sana matanggap niyo pa din ako. Alam kong di lang akong ang hindi perpekto sa mundong ito.

PLS URGENT!!! TO ALL BLOGGERS!!!

Minsan lang naman ako manghingi ng favor sa inyo di ba? Tsaka malakas naman ako sa inyo di ba? Please lang, pa visit naman ng site na ito, eto ang blog namin ni "Soulmate". Matutuwa talaga ako kung babasahin niyo siya, di naman necessary mag comment pero mas maiintindihan ko kung ang comment mo ay mula sa simula ng post namin. Nakaka apat na post pa lang kami, pero I'll really appreciate it kung babasahin mo siya simula para maintindihan niyo siya ng husto.

At kung bibisitahin niyo siya, thank you, thank you, thank you very much! I owe you one ^^

Maya maya lamang...

wait lang, may isa pa! PLSSSS!! really need your help in this!

naaalala niyo pa ba ang post ko about sa moving on? Makikita niyo siya dito! Ba't ganoon, dahil wala akong magawa masyado kagabi este ngayon, napadpad ako sa site na ITO! Oo yan mismo! Medyo hawig lang kasi sila...

What am I gonna do? Nag message na ako doon sa user pero ba't ganoon, di ako mapakali.

Sunday, January 25, 2009

walang maisip na title, sorry ^^



Ayan, ang mga pagbabago sa akin for the year 2009. Miss ko na ang straight kong hair at ang una kong pagpapa curl pero I have to embrace my latest hair. Okay tama na ang usapang buhok! Change topic na tayo.

Kakapanood ko lang ng movie na slumdog millionaire at kahit medyo bangag na ako ngayon, masasabi ko na ang ganda ng movie. It's really fascinating. A must see movie. Kakaiba ang setting at talagang makakatotohanan. Ang swerte niya nga lang which is dumadating sa tao once in a while. Ano nga ba yung sinasabi nila about luck? Parang ganito lang yun eh. Ang luck daw dumadating sa ating life not everyday so kapag dumating ang luck na iyon, wag mong iisipin na chamba lang yun or anything. Make the most of it. Bukas kasi o kahit mamaya lang nawawala na yan. Ay, ako lang pala nagsabi niyan. Kung may nagsabi man ng mga katagang yan, pasensya na di kita kilala.

Chinese new year na tomorrow, este ngayon na taa simula nun since madaling araw na. Wala akong masabi pero ang sarap magsulat eh kasi kalat ang topic, buhok napunta sa slumdog millionaire tapos napunta sa luck tapos napunta sa chinese new year.

Free style ang tawag dyan, who cares?

Last topic, gusto ko kasi mag sulat tungkol sa aking "Soulmate".

Ka chat ko siya kanina and I'm so happy. Pero mas masaya pag kasama ko na talaga siya no? Narandaman niyo na ba na feeling niyo nakita niyo na ang isang taong makakapag complete ng mga pangarap mo sa buhay? Yung tipo ng tao na kahit ano pa man, willing kang ibigay ang lahat para sa kanya, yung tipong nakikita mo na ang future mo na kasama siya?

Yung tipo ng tao na willing kang makasama kahit wala na kayong ngipin at nagto- torrid pa din kayo? (sorry sa kumakain) Yung taong hahawakan ang kamay mo habang pinapanood niyo ang limampung apo niyo na tumatakbo sa malaki niyong garden at kakantahan ka ng kantang "you're still the one" by Shania Twain? God, better sleep now! I'm day dreaming again. I mean night dreaming! Nagta- type ng tulog! Wahahaha!

Oo, about love na naman. Pero kung di ko siya isusulat, o ilalabas, mababaliw ako.

Saturday, January 24, 2009

curly hair

Hindi na ako masyado nakakapag blog hopping these past few days kasi naman nagpakulot na ako ng hair. Not once! But twice!!!

Okay, so may nadagdag na naman sa history ng aking buhok. Kulot na siya ngayon pero syempre may part na straight. Saka ko na lang ilalagay kung anuman ang hitsura niya sa ngayon, para sa akin kasi nagmukha akong exotic dahil buong buhay ko straight ang aking hair (never siyang naging gay!)

Noong una kasi akong nagpakulot, malalaki ang mga curls na ginawa sa akin at talagang wala halos nakapansin na nagpakulot ako the next day. Masakit sa damdamin at sa bulsa kaya bumalik ako kinabukasan at sinabi kong ulitin nila ang pagkulot.

Ganito ang aming naging conversation: (itago na lamang natin ang stylist ng aking hair sa pangalang "Chung")

Chung: You shampoo your hair?
Ako: No, I did not even wash my hair, nor comb it and now it's almost straight! I want you to redo it.
Chung: Maybe you don't know how to care your hair, you should do like this. (at saka niya inikot ikot ang daliri sa buhok na parang siraulo)
Ako: I don't want to do that everytime. (at isa pa baka pagkamalan akong baliw sa pilipinas pag ginawa ko yan) I want it to look like natural curl. Not like this!!!

Hayz! Halos maubusan ako ng english sa pakikipag usap sa kanya dahil hindi ako aalis doon sa parlor hangga't di nakukulot ang aking hair.

Hayun, sa bandang huli nakulot din siya.

May nadagdag na naman sa history ng aking hair. Dalawang beses siyang nakulot 21 & 22 January. So take note dahil meron tayong exam mamaya! HAHA! Joke!

Makapagsulat na nga lang ng may saysay.

Alam niyo ba na chinese new year na sa Monday (26 Jan) at wala akong pasok for 4 days including Sunday.

Hihiga na lamang ako sa kama at manonood ng movies. Sa wakas at dahil di ko muna masisilayan pansamantalaya ang aking magagaling na amo. Ayoko sila ilagay sa aking blog kasi naman baka madungisan ang post ko na ito. So enough said.

Friday, January 23, 2009

Deathly Hallows

Natapos ko ng basahin ang Harry Potter and the Deathly Hollows. Ngayon ko lang siya natapos kasi nanghiram lang ako sa library. Actually isang linggo na mula noong natapos ko siya pero hanggang ngayon hooked na hooked pa din ako. Ang ganda ng story, ma- action at talagang may matututunan ka. Feeling ko nga gusto ko na din mag aral sa Hogwarts. Pero hindi biro ang imahinasyon ng aking idol author na si J.K. Rowling ah!. Sabi niya kasi doon sa libro niya, naisip niya lang daw ang story na iyon nang siya ay nasa train. At bata pa lang daw siya mahilig na siya sa books. Hay, parang ako!

Siya ang gusto kong tularan.

I mean tutularan ko siya.

Oo nga pala, alam niyo ba na nasa "TO DO LIST BEFORE I DIE" ko ang basahin ang Harry Potter series. Sa wakas, at may iche- check na naman ako. Way to go!

Thursday, January 22, 2009

15 months

Okay, medyo magpapaka- emo muna ako sa ngayon. Alam niyo ba na uuwi ako sa Philippines for three days para magbakasyon. Yup, three days lang. Pangalawang uwi ko na ito na tumagal lamang ng tatlong araw. Grabe no? Tatlong araw lang. At alam niyo ba kung ilang buwan ko inaasam asam at ini- imagine ang tatlong araw na ito? Hinintay ko siya ng almost 6 months. (Well, alam ko meron pang mas matagal ang paghihintay sa akin pero ngayon ko lang nalaman na ang hirap din pala maghintay. Lalo na sa mga OFW na uuwi lang once every 5- 6 years dahil meron silang kontrata. WTH ang paghihintay!)

Tatlong araw.

Saka ko na ipagtatapat ang buong pangyayari sa tatlong araw na iyon. Ang masasabi ko lang, di mababayaran ng pera o kahit ano pa man ang pag uwi kong iyon. Nakasama ko ang mga kapatid ko, nag bonding kami at nakasama ko si "Soulmate". Bawat segundo ay mahalaga. At alam niyo ba na bawat segundo ako masaya nang tatlong araw na iyon. Na hindi ko pinagsisihan na umuwi ako. Pero may part sa akin na nagsisisi dahil bumalik pa ako dito sa Hong Kong. (Alam ko malapit lang siya sa Pilipinas pero may dagat pa din sa pagitan di ba? Huwag nang kumontra.)

Sometimes it's all about making decisions din kasi eh. Dahil meron akong pangarap na gusto ko munang tuparin dito sa Hong Kong, dahil para sa pamilya ko din 'tong ginagawa ko, para din naman 'to sa magiging pamilya ko kaya for the mean time kailangan munang mag sacrifice.

Anyway, gusto kong alalahanin ang nangyari noong ako ay nasa bahay ni "Soulmate" at ako ay papaalis na. Nakahiga kami sa kama niya habang nilalagyan niya ng kanta ang mp3 ko. Kina- cuddle lang naman ang isa't isa hanggang sa matapos na ang paglilipat niya at humarap siya sa akin. Mukhang pareho kami ng iniisip. Ilang oras na lang at aalis na kami papunta sa airport at di pa uli namin alam kung kelan kami uli magkikita. Tinitigan ko lang ang mukha niya. Sinusubukang kabisaduhin ang bawat feature ng kanyang mukha, sinusubukang kabisaduhin by mind and by heart. Natatakot akong dumating ang oras na di ko na maalala ang hitsura niya. Maya- maya lang, narandaman kong umiinit na naman ang mga mata ko. Maiiyak ako. Nauna siyang naluha. At bago pa tumulo ang luha ko, niyakap ko na siya. Meron kaming naging conversation eh. Sabi niya di daw magtatagal mawawala din ang ganitong moments namin. Sabay na daw kami palagi aalis. Darating yung time na wala ng bye bye dahil kung aalis ako, kasama na daw siya. Naniniwala ako sa sinabi niya.

Okay, tama na.

At baka madamay ko pa kayo sa ka- emo- han ko na 'to.

Gusto ko lang siya i- share kasi siguro hanggang ngayon, nararandaman ko pa din ang pain na malayo sa taong mahal mo.

Pero alam mo kung ano pampalubag loob sa akin ni "Soulmate"? "Baby, malayo lang tayo physically pero ang hearts natin magkasama."

Oha Oha!

Oo nga pala today is our 15th monthsary! To Soulmate, HAPPY HAPPY HAPPY 15TH MONTHSARY! More monthsaries and anniversaries to come! I love you...

P.S. Ilang days na lang, magkikita na tayo!

Wednesday, January 21, 2009

Love lessons 2

These past few days, madalas ang pagtatalo namin ni "Soulmate". Iba iba ang rason pero iisa ang kinalalabasan. Inaamin ko meron akong kasalanan at alam din naman niya na meron din siyang kasalanan. Sa bandang huli na namin nalalaman iyon. Pero madalas, kapag nagtatalo kami at parehong mainit ang ulo, feeling ko/niya tama ako/ siya at mali ang isa. Sa totoo lang naman kapag kami ay nahihimasmasan na, pareho naman namin ina- admit na may kasalanan kami pareho sa pangyayari tapos paguusapan namin kung ano ang dapat naming maging solusyon.

Heto ang ilan sa mga advice na natanggap ko sa mga malapit kong kaibigan o kamag anak o mga nare- realize ko lang kapag kami ay nag tatalo. (Ayokong ilagay ang term na nagaaway kasi kapag nagaaway, ang pangit pakinggan, parang galit kami sa isa't isa which is hindi naman. Nagtatalo kami kasi we're trying to make it right, kumbaga may kanya- kanya kaming way pero in the end, iisa lang naman ang gusto naming mangyari).

-Kapag mainit ang ulo ng isa, kailangang kumalma muna ang isa. Kasi kung hindi kakalma ang isa at sabay kayong iinit ang ulo, walang mangyayari at di lang kayo magkakaintindihan. Lalo lang kayong maguguluhan at lalo lang kayong magkakasakitan.

-Kapag may sasabihin ang isa, kailangan matutunan mong makinig kahit alam mo namang may point ka din naman. Pakinggan mo muna ang point niya kahit nangangati ka nang magsalita at kahit walang point ang sa kanya. Saka ka na magsalita kapag tapos na siya sa point niya. Ilabas mo na ang mga inipon mong salita, subukang wag taasan ang tono ng boses. Pero kung hindi mo na kaya at talagang feeling mo sasabog ka na, ilabas mo kasi masisiraan ka ng bait kung itatago mo lang ang iyong nararandaman.

-Isipin mo munang mabuti kung tama bang magalit ka sa rason na ito o nag iinarte ka lang. May proweba ka ba o ang utak mo lang ang siyang gumagawa ng ikakagalit mo? Tandaan mo pag galit ka, makakagawa o makakapag bitiw ka ng salitang for sure eh ire- regret mo kalaunan.

-Matutong mag sympathize. Subukan mong ilagay ang posisyon mo sa posisyon niya. Kung tama siya, then tama siya pero kung mali siya, doon mo na ipaglaban ang point mo.

-Hangga't maaari iwasan ang pride o ang ego. Tandaan ang kasabihan, "It's better to lose your pride to the one you love than lose your love because of pride".

-Matuto din mag tira ng pride para sa sarili. Applicable to kapag kinaliwa ka na o tinapakan na ang iyong pagkatao.

P.S. Okay aaminin ko di ko naman lagi sinusunod ang mga nasa itaas pero pina- practice ko na siya. laging tatandaan na kung sa tingin niyo di niyo na maso- solusyunan ang isang pagtatalo, ibig sabihin hindi siya problema. Sinasayang niyo lang ang mga laway niyo at ang oras na sana ay pinagme- make love niyo na lang.

Sunday, January 18, 2009

Picture taking

















Eto ang nangyari sa akin sa week end. Well, picture speak louder than words so enough said!

Long lost relatives

Medyo naging busy ako this week kaya di ako masyadong nakakapag blog or blog hopping. You know where I am up to? Kinilala ko lang naman ang ilan sa aking mga ninuno at kung kanino ako nagmula. Nagmuni muni ng konti at medyo nag senti. More clues? Heto:

Dati, madalas kong nararandaman na may pagka dugong berde este bughaw ako. Noong nakita ko sila lukso ng dugo ang aking narandaman. (Gosh, ang lalim!)

Nakipag jammin' din ako sa mga dati kong barkada, si Brad and Gelina.Ex ko siya dati kaso mas mahal ko kasi si "Soulmate" eh.


Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana.


Sige nga, hanapin ang pagkakamali sa picture na 'to, ang makahula ay papayagan maging lolo ang aking Lolo Albert Einstein.

Okay, yan na muna sa ngayon. To be continued...

Wednesday, January 14, 2009

Ang scientist at ang model

Isang gabi, naguusap ako at si Soulmate...

SM: Naaalala mo pa ba noong nasa gradeschool tayo kung ano ang gusto ko pag laki ko?

Ako: Oo, gusto mong maging scientist. Nakalagay yun sa yearbook eh. Nakalagay pa nga doon sciencetist. As in s-c-i-e-n-c-e-t-i-s-t. hehehe, di bale di naman kailangan ng spelling sa pagiging scientist eh.

SM: Oo nga.

Ako: Eh yung akin ba naaalala mo?

SM: Oo, gusto mo maging model.

Ako: Oo nga eh kaso eto ang taba ko na di ba?

SM: Ano ka ba? Di naman kailanagn sexy ka para maging model ah. Tsaka sexy ka na naman ah.

Ako: Ikaw lang nagsasabi niyan eh. Pero gusto mo tuparin mo pa din ang pangarap mong maging scientist, ako magiging assistant mo.

SM: Assistant lang? Di ba pwedeng ikaw na lang ang specimen ko?

Ako: Okay lang naman, hehe, e- experimentuhan mo ko.

SM: Oo tapos ako naman magiging photographer mo tapos display natin sa bahay natin lahat ng picture mo.

Ako: Ganoon? Gagawin ba nating wallpaper?

SM: Oo. Kahit anong gusto mo.

Ako: Talaga?

SM: Oo naman.

Ako: Okay.

Saturday, January 10, 2009

Sunog na penis

Kanina dahil sa wala naman akong masyadong ginagawa, nagbasa ako ng balitsa sa yahoo. At alam niyo ba naman kung ano ang nabasa ko? Eto:

Meron isang babae from Australia na sinunog ang "genitals" ng kanyang asawa dahil sa pambababae nito at iyon din ang naging dahilan kaya nasunog ang kanilang bahay at nagkaroon ng damage na tinatayang 700,000 US Dollars!!??

After the fire spread through the family home, Rajini Narayan, 44, told neighbours she had only wanted to burn her husband's penis "so it belongs to me and no one else," prosecutors said.

Malamang ikinamatay ng lalake ang sunog di ba? Kamusta ka naman?

Meron na din akong nabalitaan na di ko alam kung saan lugar, meron namang isang babaeng ginunting/ pinutol ang "penis" ng kanyang asawa dahil nga meron itong affair sa ibang babae.

Okay, sabihin na nating niloko nga tayo ng lalakeng pinakamamahal natin pero worth it ba pag pinutol natin ang penis nila? I don't think so. Lalo mo lang pinatunayan na wala kang karapatan sa kanya dahil sarili mo lang ang iniisip mo. Nasaktan na din naman ako dati at talagang nagalit and all pero sa tingin ko hindi solusyon ang idamay ang dating naging parte din ng katawan mo.

Alam mo kung ano ang dapat gawin? Makipaghiwalay ka na. Live your life. Kayanin mo ng wala ang taong walang ginawa kundi saktan ka. Pero kung di mo na talaga mapigilan, gawin mo ang gusto pero wag ka nga lang mag iiwan ng bakas. Di yung susunugin mo pa ang buong bahay. Sayang yung bahay. LOL!

Wednesday, January 7, 2009

Move On

Naku, sa lahat ng nakabasa ng aking last post, pasensya na, masyado lang akong nadala sa aking premenstrual blah blah! Kaya ngayon, alam niyo na mahirap akong maging kaaway dahil uhm, basta lang hehe... At eto, sa wakas panibagong post na naman. Ang post na ito ay tungkol sa isa sa pinakamasakit at pinakamahirap gawin. Ang pagmo- move on. Uy, wag kayong magalala, kami pa din ni "Soulmate" ko! (At 'till the end of time na yun, wag ng kumontra kung ayaw niyo masaktan).

Meron na naman kasi akong napanood na movie na medyo naka- relate din ako. Ang title is "Forgetting Sarah Marshal". Grabe, matatawa kayo and at the same time makakarandam kayo ng something kasi siguro iilan sa inyo ay nakaranas na ng ganito. Ang ipagpalit ka sa ibang babae o lalake o di naman kaya ay ginamit ka lang o di naman kaya ay matagal ka ng niloloko. Naranasan ko na din naman ang ganyang moment ng aking buhay. Okay, ganito kasi yun. Batang bata pa ako noon, siguro 14 years old at nasa 2nd year high school pa ako. Meron akong naging boyfriend (tawagin na lamang natin sa pangalang Ulo) na nakilala ko nang ako ay nasa first year high, nag break kami pagkatapos ng three months and then nagkabalikan nang nag 2nd year na nga ako. Mahigpit ang Mom ko syempre batang bata pa nga ako noon at may gatas pa din ako sa labi pero minsan naman ay nakakatakas ako para makipagkita sa kanya. On our second time around, (shit, di ko na halos maalala kasi naman parang binaon ko na siya sa kailalim- laliman ng aking anit), uhm, as far as I can remember naging okay naman ang lahat. Wala naman kaming naging major problem, wala akong naririnig na 3rd party or whatsoever. Basta yun na yun. Kasi sa totoo lang, ayoko ng halungkatin pa ang diary ko noong ako ay bata pa dahil nasa Pilipinas pa yun eh. (Ang naaalala ko lang, alam mo kung ano? Eto yung pupunta dapat ako sa bahay ni "Soulmate" (a.k.a. bestfriend) dahil birthday niya, nagpasama lang naman ako sa isa kong friend na pinakilala naman sa akin si Ulo. Alam niyo naman kaming mga teenagers. Basta sa pagkakaalala ko niligawan niya ako.) Anyway, balik tayo sa aming 2nd time around. Nakipag break siya sa akin, ALAM NIYO BA IYON??? It goes like this: (nagusap kami sa phone)

Ulo: May sasabihin ako sayo? (malungkot ang boses, if I know pretending lang naman siya!!!)

Ako: Ano iyon? (I can smell something will happen na)

Ulo: Uhm, ano kasi eh, may nakilala akong girl named %$&*(@ Madalas kasi kaming magkasama at napaglalaban niya ako sa parents niya. (So? Ano naman ngayon? Tingin mo ba ipagpapalit kita sa parents ko? Mapapakain mo na ba ako? Anong pinagmamalaki mo? Yang ulo mo?)

Ako: And then? (Cindy, easy ka lang.)

Ulo: Ano kasi eh, di ba hindi na tayo nagkakasama kasi pareho tayong busy. (Yah, right! Damn excuses!)

Ako: Alam mo diretsuhin mo na lang ako, pwede ba?

Ulo: Sa tingin ko mahal ko na siya eh. (Sabi ko na nga ba eh!)

Ako: Eh di break na tayo. (malumanay kong sagot sabay baba ng phone)

Tumungo ako sa kwarto at saka nagiiiyak. Why???? Ano naman ngayon kung lagi kayong nagsasama? Ano naman ngayon kung napaglalaban ka niya? So mahal mo na siya sa lagay na iyon? Ang bilis naman! Kung anu- ano ang tumakbo sa isipan ko ng mga panahong iyon. Di ko alam kung bakit ako umiiyak.

a. nasaktan ang puso ko.

b. di nakayanan ng pride/ ego ko at lalake pa nakipag break sa akin.

c. so may mas maganda pa sa akin, ganoon?

d. all of the above

Nang mga panahon na iyon, wala sa isip ko ang ganti, ang alam ko lang ay masakit, as in masakit. Bakasyon pa naman at maghapon lang ako nasa bahay noon. Pag naglilinis ako ng bahay at mapapatugtog ang kahit anong love song, naiiyak na agad ako. Syempre ngayon, wala na yung sakit at di na ako bitter kaso naaalala ko yung sarili ko ng mga panahon na iyon. Naaawa ako. Ang tanga tanga ko. Kung pwede ko lang kausapin ang dating ako, eto ang gagawin ko:

Future: Ano ka ba! Lalake lang yan, pag di ka pa tumigil sa kaiiyak babatukan na kita eh.

Past: Ang sakit sakit kasi eh, dito o! (sabay turo sa puso)

Future: Ungas ka ba? Dapat nga matuwa ka pa eh, at least di kayo nagkatuluyan ng Ulo na yun, e kalaki ng ulo eh. Ano na magiging hitsura ng anak niyo pag nagkataon? Mukhang may hydrocephalus? Gusto mo ba nun?

Past: Hindi... e kaso minahal ko siya

Future: Feeling mo lang yun pero hindi. Crush lang yung nararandaman mo sa kanya, tingnan mo pagkalipas ng ilang taon mare-realize mo na nandyan lang pala sa tabi tabi ang one true love mo.

Past: kaso...

Future: Promise, pagtatawanan mo na lang tong bahagi ng buhay mo pag nandito ka na sa sitwasyon ko.

Past: Pwede ba magtanong? Gwapo ba yung one true love ko?

Future: Di lang gwapo, matangkad pa, maputi at mabait. Napakalambing nga nun eh.

Past: Kilala ko na ba siya? Sino ba siya?

Future: Well, di ko pwede sabihin sayo sa ngayon.

Past: Describe mo pa nga siya.

Future: Ano ba gusto mo malaman?

Past: Malaki ba-

Future: Ay malaki.

Past: Malaki muscles niya.

Future: Ay yun ba, sorry. Oo naman malaki din yung muscles niya. Basta siya yung tipo ng tao na pag niyakap mo feeling mo prinsesa ko kasi napaka prince material niya.

Past: Mayaman ba siya?

Future: Mayaman sa pagmamahal.

Wahahaha! natatawa naman ako sa sarili ko ngayon.

Kasi sa totoo lang, nangyayari ang lahat dahil may dahilan. Nag break kayo kasi may dadating na mas karapat dapat sayo. Ganoon yun.

Oo nga pala, pag kayo ba iniwan ng isang tao tapos bumalik siya, tatanggapin niyo pa ba ulit? Kung ako ang tatanungin? Hindi na. Know why? Kasi kung mahal kayo ng taong iyon, in the first place bakit kayo iiwanan. Parang eto lang yan eh, "shame on you if you fool me once, shame on me if you fool me twice". Hay basta life goes on! Pag nangyari yang break up break up na yan, kayanin niyo ang mag move on. Di madali pero darating din naman yung time na babalik balikan niyo ang past and then sasabihin niyo sa sarili niyo na ang tatanga niyo pala. Yung tipong gusto mo ng batukan ang sarili mo dahil nagpakatanga ka ng ganoon.

Monday, January 5, 2009

Tuesday Afternoon

Sabi na naman ng napanood ko, malalaman mo kung siya na ang taong para sayo hindi sa nararandaman mo sa kanya kundi sa kung ano ang napaparandam niya sayo (sa sarili mo) pag magkasama kayo. Gets mo? It's like, masasabi mong siya na ang "the one" kapag napaparandam niya sayo na may importance ka sa mundong ito, na may dahilan kaya ka humihinga at nagpapatuloy sa planet earth. Hindi mo naman masasabi kung siya na talaga ang para sayo kung ikaw lang ang nagmamahal sa kanya at nasasaktan ka niya kahit sa mga simpleng bagay.

Ayan ang mga sinulat ko kagabi na hindi ko na natapos dahil guess what? Biglang may nag online at di ako makapaniwala na nakapag online siya. Si Soulmate nag online. Para siyang multo na muling nabuhay, tuwang tuwa ako. Di ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya dahil sobrang miss na miss ko na siya. Pero namumutla siya at hinang hina habang naguusap kami kagabi. Hindi ko alam kung guni guni ko lang pero nanlalamig ako. Actually naglalambing na naman siya pero kasi madalas ko siyang jino- joke pero napipikon lang siya. Bakit ganoon? Siya lang naman jino- joke ko ah para matuwa siya pero hindi siya natatawa. Iniisip ko na lang siguro dahil masama pa din ang pakirandam niya kaya mas naaasar siya sa mga joke ko. Nakakainis. Feeling ko nga sumama ang loob ko eh buti na lang kagabi nanood ako ng Agent X44, tawa ako ng tawa hanggang sa nakatulog ako ng mahimbing. Naisip ko, buti pa ang movie, napapatwa ako. Leche, ano ba? Nagiinarte lang ba talaga ako? Baka may masakit pa din sa kanya and I was just being selfish na iniisip lang kung ano ang nararandaman ko.

Pero, naalala ko yung sinulat ko kagabi na hindi ko nga natapos. Yun ba naman ang topic ko at matapos ang mga napag usapan namin, ayoko ng ituloy ang nasimulan ko. Ang ganda pa naman ng topic ko. *weeping continues*

Ayokong mag isip ng masama.

Baka masyado ko lang ina- analyze ang mga bagay bagay.

Baka masyado lang ako nag iisip. Nabasa ko ang horoscope ko for year 2009. Sabi wag daw ako masyadong mag isip.

Oo nga pala, pwede bang mag mura. Ngayon lang promise!

Eto na...

Leche!

Son of a bitch!

Pucha!!!!!

Asshole!!!!!

What the fuck?!!!!

What the hell?!!!!

Fuck! Fuck! Fuck!!!

(see? hindi ako conservative!!!) Oo nga pala, wala akong minumura dyan ah.. wala lang, gusto ko lang!! matagal- tagal na rin kasi eh.

P.S. Pa check naman ng mga sumusunod, please... kung mahal niyo talaga ako at may halata ako sa inyo, wala lang check niyo lang at i- add sa blogroll niyo.

Love Notes at Campus Notes

Di ako mahilig sa notes, sa notebook, oo. Collection ko nga ang mga notebooks eh. Ano ang connect?

Saturday, January 3, 2009

Bedtime Stories

Napanood ko ang movie na "Bedtime Stories" at muli akong nabuhayan ng loob. Okay, aaminin ko, noong bata pa ako naniniwala ako sa fairytales. Noong bata pa kasi ako, mahilig talaga ako magbasa ng libro, tagalog at english, school books, story books hanggang sa naging uso sa akin ang pocket books. Basta gusto ko merong kwento. Feeling ko kasi ako yung bida doon sa kwento at feeling ko sariling adventure ko iyon. Kahit hanggang ngayon, nagbabasa pa din ako. Kasalukuyan ko ngang binabasa ang last book ng "Harry Potter". Yup, nasa last book na ako! Nasa "to do list" ko kasi ang tapusin ang Harry Potter series kaya nagtiya- tiyaga akong manghiram sa library ng Hong Kong. Kahit nung nagaaral pa ako, hindi pwedeng wala akong library card na madalas ay nakaka dalawang palit ako sa isang taon. Hindi naman ako halatang adik ano? Pag nagbabasa kasi ako pakirandam ko pinagdadaanan ko talaga yung adventure. Ang saya. Nakakainis nga lang kasi pag natatapos ko ang isang libro, ayun, feeling ko tapos na din ang adventure. Tapos na ang kwento.
Pagdating naman sa kwento, ang mga kinu-kuwento lang sa aking ng aking Nanay ay ang past niya, tsismis at minsan mga kwento ng aswang. Kaso mas gusto ko kasi ang kwento na yung may happy ending at hindi yung may mamamatay, may nakakatakot, although gusto ko din naman ng ganoong kwento pero mas gusto ko kasi yung sinasabi nilang imposible eh, gusto ko yung palaging masaya ang ending. At yun nga, yung may happily ever after. Syempre noong una, paniwalang paniwala ako sa binabasa ko. Mahilig din kasi akong bilhan ng libro eh noong ako ay four years old kaya siguro, kinder pa lang ako, ang bilis ko ng magbasa. Ngayon, alam niyo na kung bakit hilig ko ang magsulat? Kasi, hilig ko ang magbasa.

Okay, balik tayo sa bedtime stories. Sabi ni Adam Sandler, di daw totoo ang happily ever after kahit tumingin ka sa paligid mo. Iyon daw ang realidad. Hanggang ngayon naman naniniwala pa din ako sa happily ever after. Pero dumating din naman ako sa point ng buhay ko na I have stopped hoping na iyon ang kalalabasan ng aking buhay. Dumating yung time na feeling ko wala na akong magagawa sa sitwasyon at sa tingin ko hahayaan ko na lamang na ganoon ang ending.

Eto pa ang isa, alam niyo ba na akala ko pag kinasal ang isang tao sa taong mahal niya, forever na silang magmamahalan. Yun talaga yung paniniwala ko, na kahit may mga taong naghihiwalay, alam kong may mga tao pa ding nananatiling masaya. Pero noong dumating ako dito sa lugar na kinalalagyan ko ngayon, talamak mong makikita at maririnig na kesyo hindi sapat ang isa, hindi naiwasan at kung anu- ano pang dahilan, naghihiwalay sila. Sinubukan ko pa ngang ipagtanggol ang side ko pero ano ang sabi sa akin? "Mare- realize mo din na tama kami pagdating ng panahon, kapag meron ka ng sariling pamilya.. blah blah blah" Di na ako nakinig pa. Okay, life is not a fairytale pero can we at least make it be? Matapos ang conversation na iyon, medyo nanlumo ako kasi feeling ko pinapaasa ko lang ang sarili ko na totoo talaga ang masaya kayo forever. Kinuwento ko nga yun kay "Soulmate" at madalas niyang isasagot sa akin ay hindi kami tulad ng iba, na hindi mangyayari ang ganoon, na kung magkaka- problema man, kakayanin namin. Isa kasi sa pinapangarap kong mangyari ang happy family.

Natutunan ko din doon sa movie na kapag nandoon ka na sa sad part ng iyong buhay, wag kang titigil doon. Huwag mong iisipin na iyon na ang ending ng story. Nakakalimutan niyo na ba na pag dumating yung sad part, eto yung time na kailangan ipaglaban mo na ang gusto mong mangyari. Syempre, you have to strive harder para makamit ang gusto mong ending. Muntikan ko na ngang makalimutan ang part na iyon. Tama nga naman, malapit ka na sa happy ending, titigil ka pa ba sa sad ending? Parang pinagdesisyunan mo ng maging malungkot forever ah! See???? Naisip ko yun ngayon lang!!! Gosh!!! At ngayon, kahit di gaanong masaya, kailangan masaya pa din ako kasi baka dumating na din yung part na masaya ako at baka ma- miss out ko lang. Sabi nga nila "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa". Kailangan gawin din ang part mo.

And one more thing, ang buhay nga pala ay magkakaroon lamang ng ending kapag patay ka na! Syempre happily ever after kapag nasa heaven kaya sa ngayon, wala munang ending ha. Huwag lalagyan ng "THE END" ang buhay mo. Tama na siguro ang happily ever after!

I'm still hoping sa aking happily ever after.
p.s. panoorin niyo yung movie, feeling niyo babata kayo ulit like me ^_^

I'm Sad

Meron lang akong gustong i- share...

Ang mga sumunod na pangyayari ay naganap matapos kong isulat ang aking post na "2009, here I come". Naisulat ko yun kasi medyo hinihintay ko na mag online ang aking "soulmate" which is medyo feeling ko ang tagal tagal ko ng naghihintay. Hanggang sa umabot na ng 11:00 pm. Naiisip ko ano na kaya ang nangyari sa kanya? Nagsisimula na akong magalala. Sinubukan ko na lamang isipin ang huli naming napagusapan. Sabi niya mag o- online daw siya at alam niya na magtatampo ako kapag naghintay na naman ako ng matagal sa kanya.

Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya. Out of coverage area daw. OMG, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Sinimulan na akong kabahan, dapat siguro talaga bawasan ko na ang pagkakape ko. Inisip ko kung saan ko siya pwede ma- contact. Sunod kong tinawagan ang cellphone ng kapatid niya. At ayun, sa awa ng Diyos ay sinagot naman. Nanlumo ako sa balita na na narinig ko mula sa kanya...

Nasa ospital si "soulmate"!!! At, at.. at inoperahan siya. "B- bakit, anong nangyari sa kanya? Bakit siya inoperahan? Saang parte?" sunod- sunod kong tanong.

"Yung apendix po niya." ang tangi niyang sagot. Hindi ko na alam ang sunod kong gagawin. Samu't saring emosyon at pressure at namayani sa aking katawan. Naisip ko nga magpa- book na kaya ako ng ticket para bukas? December 31 pa naman kinabukasan, ano na ang aking gagawin? Uuwi ba ako? Ano??? Sa huli kinuha ko na lamang ang number ng Papa niya at doon ako tumawag. Nanghihina siyang sumagot at ako naman ay parang di mapakali na ewan.

"Love, kamusta ka na? Ano ang masakit sayo? Di ba tayo pwede mag chat?"
"Baby, di pa ako pwedeng lumabas eh." yun lang ang nasagot niya sa mga tanong ko.

Okay, Cindy, hinga hinga, breathe in, breathe out!

Sinabi ko na lamang na magpagaling siya at tatawag na lamang ako bukas dahil di na din naman ako makakalabas dahil malamig na di rin ako papayagan.

Okay, skip na natin ang ibang eksena. Ang naaalala ko na lamang ay umiiyak na ako dahil gusto ko siyang puntahan at alagaan. Naisip ko nga sana meron na lang akong powers mag apparate tulad nina Harry Potter o kaya sana di na lang ako masyado gumastos para meron pa akong pera. Hindi ko na alam ang gagawin talaga. Ang mahal pa naman ng ticket kasi new year na at isa pa di rin ako pinayagang umalis kasi mag off din ako sa February for a few days eh. Okay, fine! Maaga kami oinauwi the next day kasi nga new year. Kamo lahat ng tao nagsasaya, may kausap at mukhang nag shopping. Ako naman si ako, mukhang tanga na pinipigil ang luha. Jacket ko na nga ang pinampupunas ko eh. Wala akong paki sa mga taong dumadaan.

Hanggang sa makarating ako sa bahay. Naiinis ako kasi uuwi na naman ako sa empty house kasi mamaya pa dadating sina Mama. Leche, pagkadating ko sa 15th floor hinanap ko pa ang susi. Di ko siya mahanap. Nag stay pa ako sa labas ng bahay namin for 5 minutes dahil di ko talaga mahanap ang aking susi. Ang laki naman kasi ng bag ko eh at ang dami niyang laman. Sa wakas, nahanap ko din siya. Pagkapasok ko ng bahay, narandaman ko agad ang aura na may tao sa loob ng kwarto. Akala ko kung sino, ang aking Inay lang pala. Ang aking Inay, nasa bahay pala. Sana nag doorbell na lang ako. T_T Asar naman o.

Nakaupo siya sa kama at you know, niyakap niya ako. Sabi niya gusto niya daw akong tulungan pero kahit siya walang magawa. Naiintindihan niya daw na gusto kong umuwi talaga, tapos umiyak siya at umiyak na din ako tapos we just hugged.

Ayun, sa bandang huli sabi niya, mag Mcdonalds na lang daw kami para naman sumaya kami. I still feel lucky.

So ngayon, hindi na muna kami makakapag chat ni "Soulmate". Pero di bale na, malapit na din naman kami uli magkita.

Thursday, January 1, 2009

First lesson for the year 2009!

Noong bata pa ako, madalas akong asarin ng mga kaklase ko. Sari- saring pangaasar, at madalas akong umuuwi na umiiyak kasi nga inaaway ako. Ako yung tipo ng tao na binu- bully na kahit lumalaban, umiiyak pa din sa bandang huli. Lagi kasi akong pikon. Naiinis din ako kasi napaka babaw ng luha ko. Wala akong masyadong friends at hindi rin ako cool. Kasali ako sa grupo na very marginalized, kumbaga kami yung nerdy and weirdos. Di ako pinalad na mapasali sa mga famous classmates ko. Alam niyo naman sa high school talagang nadi- divide ang klase ng mga tao. Merong tulad ko na weirdos at nerdies at meron din namang feeling nila, may camera sa harap nila kung maglakad ay parang may something sa pwet nila. Ako naman ay lumaki na bagaman fighter ay biktima pa din ng isang school society na kinaiinisan ko talaga. Purkit lang mataba ako at... hay, ayoko ng dagdagan pa.

Dati, ako ang batang pag inasar ay umiiyak. ako yung tipong, maliit na problema lang sumusuko na. Meron ngang isang classmate na lalake na tawagin na lamang natin sa pangalang "Baba" na walang araw na di ako inaasar. Palagi yun, eh seatmate ko siya. Kahit di mo pansinin, maaasar ka pa din di lang sa pagmumukha niya kundi sa lumalabas sa bibig niya. Mabait naman ako sa kanya, madalas ko siyang pinapakopya pero pagkatapos niya akong pakinabangan, ayan na naman siya, mangaasar non stop. Nakakabawas ng self esteem. Lalo na pag sasagot ako tapos pagtatawanan niya pag mali ako. Minsan naman, ipapahiya niya din ako sa iba. Ewan ko ba, nasa isip ko kasi noon na pag may ginawa sayo ang isang tao, don't get mad, you should get even. Highschool na ako nang panahon na iyon pero napapaiyak niya pa din ako. Leche siya.

Grumaduate ako ng highschool at nag college. Then, out of the blue, bigla siyang tumawag sa aming kabahayan at nag sorry sa mga ginawa niyang masasamang bagay sa akin noon, aminado siya na mali siya noon at tapos ay babalik siya ngayon? At tulad ng iniisip ko, sabi ko na nga ba eh. Meron siyang hidden agenda. Balak pala manligaw. Ang kapal ng feces niya. Hmp! Well I guess di ko na kailangang sabihin ang nangyari in the end. The rest is history. Clue: tinuruan ko lang siya ng lesson na hindi niya makakalimutan. At malamang di niya na gagawin sa ibang tao yun.

Ayan ang bad side ko, di mo kailangan maging always nice dahil madalas pag nice ka, natatapakan ka ng ibang tao. At ayoko na ng ganoon. Ayoko ng maranasan na kinukutya at inaasar. At regarding sa iyak iyak na yan? Iniyak ko na sila kahapon bago mag new year na naging dahilan kaya sumakit ang ulo ko. Ayoko ng iyakan ang mga walang kwentang bagay. Sa taong ito, mas magiging matatag na ako at magkakaroon na ako ng paninindigan. (insert "I believe I can fly" by Eric Santos). I'll stand for myself na.

OMG! What am I talking about here? Sorry sa nakakabasa nito, pero mukhang sobra ata ako sa tulog eh. Cindyrella, okay ka lang ba? Alam niyo kasi natulog lang ako buong araw dahil ang sakit ng ulo ko at nasusuka din ako. Uy, di ako buntis ah. Medyo nawindang lang ako sa mga pangyayari mula ng isinulat ko yung last post ko. Nagkakaroon kasi ng abnormality ang system ng pangangatawan ko pag nade- depress ako.

Basta ang gusto ko lang naman iparating mula sa post kung ito lalo na sa mga taong hinahayaan lang tapakan ang kanilang pagkatao ay bumangon ka na mula sa pagkakalugmok mong iyan. I mean di ko naman recommended na gumanti ka dahil baka magalit sa akin si Bro. Utoy niyan. Ang masasabi ko lang kung tinatapakan ka, why don't get even? It's time para ipagtanggol ang sarili mo.

Eto na nga lang, first picture for the year 2009: (tadah!) Naka orange ako para swerte. Partida walang make up or anything ako dyan. Wahahah! Oi, bawal kontra!

P.S. Okay lang naman if you get even with your enemies pero never niyong tatapakan ang pagkatao nila dahil parang itinutulad mo na din ang sarili mo sa kanila. Just give them a dose of their own medicine. Right? Sa nagbabasa nito, be happy always! Mwah!